Thoughts ko
Hindi ko alam kung magiging masaya ako or hindi…feeling ko kasi manhid na ang puso ko para maramdaman ang lahat ng nangyayari sa kin ngayon..pagod na din ang utak kong mag isip…may mga bagay akong ginagawa sa buhay ko na ewan ko kung tama ba sya o mali.. at sa lahat ng yun alam kong ako at ako lng din ang pwedeng sumagot sa mga iyon..meron bang halaga ang lahat ng sinasabi ko..hindi ko din alam..malay natin baka meron…ewan..magulo..as in halo-halong emosyon..este wala palang emosyon akong nararamdaman…baliw lng?? Tumatakas ako sa kung anong dapat kong mafeel..ganito talaga ako..isang taong palatakas sa mga bagay-bagay…iwas kung iwas ang ginagawa ko para matakasan ang lahat…kasi alam kong sa mga susunod na mga araw nakalimutan ko na kung ano man ang bumabagabag sa kin ngayon…
Bakit ganito ang ugali ko? Hindi ko din masagot yan..basta ang alam ko lng kanya-kanyang diskarte lng yan kung pano mo dadalhin ang buhay..ako ganito ko sya sakyan wlang pakialamanan…wlang pdeng kumontra kundi masasaktan(joke)..minsan nga kahit seryoso na ang usapan ginagawa ko na lng katatawanan para mas magaan dalhin diba…
Abnoy lng talaga ang utak ko…di naluto ng maigi kaya malabnaw, malasado ang mga paningin sa kalakaran ng buhay…minsan nga gusto kong tumakas pumunta sa isang lugar na wala akong kilala mag simula ng panibagong buhay labas sa mga nakaraan at mga lumipas na hagupit ng buhay..un mga di magandang dinanas e maglaho sa aking isipan…amnesia ba ang tawag dun>? O pde din na aware ako sa past pero pilit ko lng kinakalimutan lahat…
Buti nga ngyn di ko nararamdaman na wla akong silbi, mas ok pa lagay ko dahil eto ako may trabaho, may sweldo at may ipapadala sa pamilya…un nga lng ang kulang e ang kabiyak ng puso ko…masakit isipin pero wag na lng isipin pra di na lng masaktan…ayoko manghinayang kasi naging makabuluhan naman un sa min kahit pano…nagkataon lng na we are not meant to be…hindi sya madaling kalimutan tanggap ng utak at puso ko yun pero dadaan ang mga araw at masasanay din akong wala na sya…hindi na sya kasama sa systema ng utak at puso ko…minahal, minamahal, at mamahalin ko pa din sya sa paraan na ako na lng nakakaalam nun…mas mabuti na un ganito ako na lng nagmamahal sa kanya kasi alam ko na totoo un nararamdaman ko…i cherish the moments na magksama kami dito sa RAK…hindi ako galit sa knya at ayokong magalit sa knya..kasi wla naman talaga syang ginagawa…sabhin na lng natin na ako na lng ang may problema hindi sya…
Mabait sya, mahinahon, mapagkumbaba, mapagmahal sa pamilya, may respeto sa tao, maka diyos, mabuting kaibigan, walang masamang tinapay sa knya, loyal and faithful, lahat na ng magandang ugali nasa kanya na…kakaiba sya sa lahat ng lalaking nakarelasyon ko…ayoko naman sabihin isa syang perpektong tao kasi meron din syang kakulangan…may mga bagay lng talaga akong tinatanong sa aking ulirat at di ko magets kung bakit ganun…last hirit ko na ito “don’t solve the problem if you cant find a solution, let the problem solve itself”…ciao!
-
Recent
-
Links
-
Archives
- December 2010 (4)
- May 2009 (6)
- April 2009 (8)
- March 2009 (3)
- February 2009 (2)
- January 2009 (10)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS